Saturday, November 28, 2009

PANGULO PARA SA MGA PILIPINO

“To those who want to be a president, this is my advice: If you want something done… just do it, do it hard, do it well. Don’t pussyfoot, don’t pander and don’t say bad words in public.” Ito ang naging pahayag ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang pansiyam at panghuling State of the Nation Address (SONA) bilang payo sa mga nagnanais tumakbo bilang pangulo ng ating bansa.
Ilang buwan na lamang ay magkakaroon na naman ng eleksyon para sa pagkapangulo ng ating bansa. Maraming mga pulitiko na ang nagpahayag ng kani-kanilang planong tumakbo para sa nasabing posisyon. Ngunit anong uring mga tao sila? Sila ba’y mga taong susunod sa payo ng pangulo? Talaga bang maglilingkod sila para sa sambayanang Pilipino, o nais lamang nilang maisakatuparan ang pansarili nilang kapakanan?
Bilang pangulo ng isang bansa ay hindi isang simpleng gawain. Maraming mga tungkulin ang dapat niyang gampanan. Isa na nga rito ay ang pangalagaan ang karapatan at kapakanan ng bawat mamamayan. Upang magampanan niya nang maayos ang mga tungkulin at maisakatuparan ang mga dapat niyang gawin, kailangan lamang niyang sundin ang payo ng pangulo sa maayos na paraan at sa abot ng kanyang makakaya nang walang takot at pag-iimbot. Makitungo ng maayos sa mga mamamayan at tiyaking ni isa man sa kanila ay hindi maapakan sa anumang planong proyekto o programa para sa kaunlaran. Nang sa gayun ay makuha ang supurta at kooperasyon para sa ikatatagumpay ng anumang plano. Ngunit paano kung kunwari lang ang lahat? Kaya naman sa darating na halalan, piliin natin ang tamang tao na siyang mangulo sa sambayanang Pilipino na handa at taos pusong maglingkod at may malasakit sa kapwa lalung-lalo na sa mga mahihirap.
Ang pagbabago ay nakasalalay sa atin. Tulung-tulong tayong lahat para sa pagbabago. Piliin ang tamang pangulo para sa tamang gobyerno.

No comments:

Post a Comment