Saturday, November 28, 2009
ANG FILIPINO A MGA FILIPINO MAJORS
NANG MAGDESISIYON AKONG MAGING KABILANG O ISA SA MGA FIIPINO MAJORS AY MARAMING NAGULAT----KAIBIGAN, KAKLASE, AT LAHAT NG NAKAKAKILALA SA AKIN. MARAMING TANONG ANG KANILANG IPINARATING-----BAKIT FILIPINO? WALA KA NA BANG IBANG MAPAGPIPILIAN? ‘DI BA SABI MO’Y GUSTO MONG MAGING ENGLISH MAJOR? ----SUHESTYON DIN NG IBA, MAS MAKABUBUTI SIGURA EH ELEMENTARYA NALANG ANG KUNIN MO.SA MGA TANONG AT SUHESTYON NILANG IYON AY HINDI KO ALAM KONG ANO ANG MAARI KONG ISAGOT. NASGULAT DINA KO SA SINABI NILANG IYON. BAKIT? GANUN NALANG BA TALAGA KABABA ANG FILIPINO?NANG MGA PANAHONG IYON AY TALAGANG RAMDAM NA RAMDAM KO ANG KANILANG PAGMAMALIIT SA PANG-AKADEMIKONG ASIGNATURANG FILIPINO. BAKIT NGA BA GANUN NA LANG KABABA ANG KANILANG TINGIN DITO? WALA BANG NAGAGAWA ANG ASIGNATURANG ITO?ILANG BUWAN NA RIN AKONG NAPAPABILANG SA GRUPO NG MGA FILIPINO MAJORS. ANG TOTOO’Y HINDI GANUN KASIMPLE ANG MAGING ISA SA MGA ITO. ITO’Y TULAD RIN SA IBANG ASIGNATURA NA MAY MAHAHALAGANG BAGAY NA KAILANGAN NAMING PAG-ARALAN MALAMAN BILANG KUMUKUHA NG ISANG NG ASIGNATURANG ITO.ANG TOTOO’Y ALAM NA ALAM KO ANG ISA SA MGA DAHILAN KUNG BAKIT GANUN NA NGA LANG KABABA ANG KANILANG TINGIN DITO. ITO AY ANG MEDYUM NG PAGTUTURO---ANG FILIPINO. ANO NGA BA ANG NASA FILIPINO BILANG MEDYUM NG PAGTUTURO? SAGOT NG KAIBIGAN KI, ‘PAG FILIPINO---LOKAL’. GANUN NGA BA? HMMM?ANG SAGOT NA IYON AY ISANG WALANG KABULUHANG DAHILAN NG PAGMAMALIIT. KAILANMAN AY HINDI KO TATANGGAPIN KONG IYON LANG ANG KANILANG IDADAHILAN.>AYON KAY L.J. VILLANUEVA(MAHANUNG OBSERVER,2006) ‘MAHALIN NATIN ANG ASIGNATURANG FILIPINO UPANG MAKILALA NATIN ANG ATING SARILI BILANG PILIPINO AT ANGKING TALINO NG ATING PIANANGGALINGANG LAHI’. ANG FILIPINO AY SARILING ATIN AT DAPAT NATIN ITONG IPAGMALAKI. KUNG SAKALING TATANGGALIN SA KURIKULUM MULA ELEMENTARYA HANGGANG KOLEHIYO ANG ASIGNATURANG FILIPINO, MAKIKILALA PA KAYA NATIN ANG ATING MGA SARILI BILANG ISANG TUNAY NA PILIPINO?NG SA AKIN LANG NAMAN AY HUWAG NATIN BASTA MALIITINA NG FILIPINO AT ANG MGA TAONG KUMUKUHA NITO BILANG KANILANG MAJOR. MARUNONG NAMAN TAYONG GUMALANG SA ATING KAPWA DAHIL MAY KARAPATAN DIN NAMAN SILANG MAMILI PARA SA KANILANG SARILI. HUWAG NATIN SILA BASTA HUSGAHAN, DAHIL TAO RIN SILA NA MAY PUSONG NASASAKTAN.GAYUNPAMAN, MARAMING SALAMAT PO SA LAHAT NG TAONG NAGING POSITIBO ANG PANINGIN SA FILIPINO AT SA KUMUKUHA NITO.IPINAGMAMALAKI NAMIN ANG PAGIGING ISA SA FILIPINO MAJORS. SA MGA TAONG NEGATIBO NAMAN ANG PANANAW SA AMIN AT SA FILIPINO, WALA NA PO KAMINBG MAGAGAWA PARA SA INYO. MAY KANYA-KANYA AYONG PAG-IISIP. HINDI NAMIN KAYO KONTROLADO, PERO MARAMING SALAMAT PARIN PO SA INYO.SA KABILA PO NITO’Y, NAWA’Y MAGKAISA PO TAYO BILANG PILIPINO PARA SA IKAUUNLAD NG ATING INANG BAYAN.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment